Tuesday, April 17, 2007


Mga kababayan itong larawan na nakikita ninyo ay kuha ito nong nakaraang hapon sa may lumang Airport sa may Kobler. Alam ba ninyo na ilang buwan palang ang nakalipas aming nilinis ito kasama ang mga Batang JROTC. Ngayon ay ito na naman ang mga basura na nakatambak at sadyang wala yatang disiplina ang mga ibang tao dito sa isla nang saipan, matapos malinis ay binabalikan nila para pagtaponan nang basura. Para sa mga tao na malapit sa lugar na ito naniniwala po ako na kahit isa sainyo, may nakakakita kung sino ang mga nagtatapon nang basura dito sa lugar na ito, sana ipakita natin ang ating malasakit sa isla nang saipan sapagkat tayo po ay mapalad na binigyan tayo nang pagkakataon para makapagtrabaho dito sa saipan, hinde man po tayo ang may gawa nito sana magkaruon po tayo ng puso para panatilihin ang kalinisan nang saipan. Ako po at ang lahat nang aking mga kasamahan sa FMI ay laging handa at hinde magsasawang tumulong sa paglilinis dito sa isla nang saipan, ginagawa po namin ito nang walang kapalit at kami'y masaya na nakakatulong sa community nang saipan. Hinde po ba napaganda kung sa dami nating Filipino dito sa saipan ay magtipon-tipon para ipakita ngayon ang ating pagkakaisa para malinis natin ang saipan? Alam ko napakaraming samahan nang Filipino dito sa saipan pero bakit ilan lamang ang sumusuporta sa Beautify CNMI! ? Mga tanong na hinde ko kayang sagutin ngayon, pero sana sa lahat nang mga kapwa ko namumuno sa iba't-ibang samahan dito sa saipan, maramdaman ninyo sainyong puso ang gaya nang naramdaman ko para sa ikakaganda nang ating imahe dito sa saipan bilang Filipino! Inaanyayahan ko po kayong lahat na makilahok sa Beautify CNMI! Kung sino po ang intiresadong samali sa aming paglilinis tumawag lamang po kayo sa akin sa numerong 234-9769/285-8980 o di kaya kay Ginoong Angelo Villagomez sa numerong 483-1078. Sana makasama namin kayong lahat na kapwa Filipino sa Beautify CNMI!
To all the People in saipan, this picture of Trash was taken 2 days ago @ the Air Field (Old Airport) in Kobler, I do believe that this place was already been clean, and i was really shock to see this place a illegal Dumping again. I post this Picture to let people know that any nationality that doing illegal dumping will take a responsible for what there doing in the island of saipan. So, Please help and support us in Beautify CNMI! We are really serious of what we are doing here in the island of saipan to keep it clean!

1 comment:

Professor Howdy said...

Hello!
Very good posting.
Thank you - Have a good day!!!