Friday, April 6, 2007

Angelo we Thank you!


Ito ang kuha ni Mr. Angelo kanina lamang habang kami'y naglilinis sa may taas mismo nang Mt. Tapochau. Maraming salamat Angelo sa iyong katapangan ngayong araw na ito, dahil kahit alam mong bangin na ay wala kang takot na pumasok sa bakod para lang malinis ang buong kapaligiran nang Mt. Tapochau! Ikaw ang tunay na bayane nang Saipan! Para naman sa mga kababayan ko na naglakad kanina sa Mt. Tapochau maraming salamat sainyong lahat at sana sa susunod na taon na darating ay ating ipakita ang pakikiisa para sa Beautify CNMI! dapat po nating isipen na hinde man tayo tagarito sa Saipan, sana maipakita po lang natin ang pagpapahalaga para sa kalinisan nang isla nang Saipan, ito po ay malaking bagay para sa ating lahat, hinde lang po ito para sa mga taga rito sa isla nang Saipan, tayo rin po ang makikinabang sapagkat dito tayo nagtatrabaho, sa ngayon nandito tayo nakatira, kaya lagi nating isipen na kung hinde po dahil sa kanila wala po tayo dito ngayon sa Saipan. Huwag po sana nating kalilimutan na ang lahat nang bagay ay nangyayari dahil may dahilan.

No comments: