Saturday, December 29, 2007

FMI 2007 Christmas Party



Friends of the Mariana Islands Group picture, together with Rep. Jacinta Kaipat her Family, Angelo Villagomez and EJ. This group picture was taken during FMI 2007 Christmas Party at San Vicente Village.
Sa ngalan po nang aming samahan na Friends of the Mariana Islands ako po ay bumabati sainyong lahat nang masagana at manigong bagong taon!

Wednesday, December 26, 2007

FMI 2007 Caroling night group picture


Group picture namin ito during Christmas carol kina Mr. & Mrs. Rose/Lewei Adams. Ang Friends of the Mariana Islands ay taus puso pong nagpapasalamat sa lahat nang sumuporta sa aming pangangaroling. Hinde po namin kayo makakalimutan at dahil po sainyong suporta sa aming grupo mabuhay po kayong lahat! Merry Christmas and A Happy New Year to all!

Tuesday, December 11, 2007

ISA Drive cleanup


Ito ang kuha namin noong nakaraang linggo pagkatapos nang aming paglilinis sa ISA Drive. Ang mga nasa larawan ay V-President Diomedes (Happy birthday vice), Beth, Arman, Betty, ako at si Roger. Ang mga iba pa naming mga kasama na naglinis na wala dito sa larawan ay sila Precy, Nita Mateo, Rey, Marites Fabros, Jimmy, Ciaralyn at ang aming masipag at walang kapagurang advisor na si Mr. Angelo Villagomez. Salamat sa lahat na sumama sa araw na ito, malaking karangalan na naipagpapatuloy natin ang ating pagtulong sa Kommunidad nang Saipan.

FMI on camera action

Maraming salamat sa aming mga bagong kasama sa grupo na sila Ms. Dian, Julie Ann, CJ, Lily, Mely, Sheryl, Elmer, Love at Carl. Napakasaya nang aming grupo tuwing linggo na nagkakasama sa paglilinis masaya ang bawat isa at walang kapaguran sa pagtulong sa Kommunidad nang Saipan.