Sunday, August 26, 2007
Ang FMI ay naglinis sa may Airport road hanggang sa may Dandan Elem. School. Ito ang larawan ng mga kasamahan ko habang naghahandang magsimula sa aming paglilinis. Ang lugar na ito ay adop ng Chora Talo group, pero dahil sa hinde nila pagdating kaninang umaga, kami'y nagpatuloy sa aming paglilinis sa kanilang lugar na inadop. Ang Chora Talo Group ay aming mga kasamahan din sa FMI kaya kami'y kasama nila sa ano mang oras na kailangan nila. Maraming salamat kay Angelo Villagomez (MINA Executive Director)sa kanyang pagdating at pagtulong sa amin kaninang umaga. Maraming salamat sa RC&D Coordinator Mr. Ken Kramer sa mga T-Shirts na kanilang ibinigay para sa aming grupo, Sympre hinde namen nakamit itong mga T-Shirts na ito kung hinde dahil sa aming patuloy na pagvovolunteers. Patuloy na nagsusumikap ang aming grupo para kami'y lalo pang makita at sana'y tularan ng ibang grupo sa aming pagvovolunteers. Si Angelo ang aming naging tulay para sa aming matagumpay na grupo. kami'y nakilala dahil sa aming tiaga at patuloy na pagmamalasakit sa Isla ng Saipan.
Kahit umuulan kanina hinde ito naging hadlang upang matigil ang aming pamumulot ng basura at talagang napabilib si Angelo sa grupo. Masaya at sadyang tunay na magkakapatid ang turingan ng bawat isa, kaya naman kami'y lubos na nagpapasalamat sa ating puong may kapal sa mga biyayang ipinagkaloob niya sa aming lahat sa grupong ito. Pagkatapos naming naglinis kanina, kami'y sama-samang nagsipagluto sa aming tahanan at salu-salung kumain ng tanghalian. Mayron kaming Bible Study kaninang hapon at aming spiritual advisor na si Mrs. Rose Adams ang siyang nag lead sa amin kanina. Napakaligaya at kaayaayang pagmasdan ang ganitong grupo, kahit anong problema pa siguro pag ganitong maganda ang samahan ang lahat ng problema ay mawawala
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment