Friday, August 17, 2007

Deputy Assistand Secretary for Insular Affairs David Cohen meet with FMI President Marites A. Castillo and two other people

Isang inbitasyon na hinde ko inasahan ang aking natanggap kahapon at ito'y ang makipagkita at makipagpulong kay Deputy Assistant Secretary David Cohen. Napakalaking pasalamat ko na sa pagkakataong ito muli akong nagkaruon ng pakikipag-usap sa kanya ng personal at nakita ko sa kanya ang senseridad sa kanyang trabaho na inatas sa kanya ng US. Napaganda ang naging takbo ng aming meeting. Tinanong ako ni david tungkol sa aking blog at sympre pati itong FMI blog, nakakatuwa dahil pamilyar ako sa kanya, pati ang mga blogs na ginawa ko, pati mga comments ko sa aking kaibigan na si Angelo ay alam din niya. Kaya maraming salamat sa aking kaibigan na si Angelo Villagomez dahil sa aking blog na patuloy na sinusubaybayan ni David nakilala niya ako ng husto. Malaking bagay talaga ang ganitong may blog!

No comments: