Sunday, March 25, 2007

FMI Group


Here's the FMI group watching the soccer game, CNMI vs Guam. Talaga naman ano, walang kapaguran ang mga kasama ko at pati itong laro na kahit hinde masyadong naiintindihan ay pinapanood na rin nila, alang-alang kay Angelo. Iba ka talaga Angelo! Ang-bait mo kasi sa aming lahat at tunay kang kaibigan, kaya buong puso ang aming suporata saiyo.

Angelo your the best man !


It' a really a good game Angelo! I lost my voice. Kahit natalo ang CNMI kayo pa rin ang panalo para sa aming lahat. Ang buong Beautify CNMI ay sumuporta sainyo at sana
hinde ito ang huli ninyong paglalaro nang soccer at sana'y maulit muli.

Ika anim na pong taong gulang na kaarawan ni Kuya Louei


Maligayang kaarawan po Kuya Louei, nawa'y pagpalain po kayo nang marami pang Taong kaarawan, at higit sa lahat pagpalain po kayo kuya nang mabuting kalusugan. Ito po ay nagmula sa aming lahat sa FMI na samahan! Happy 60th Birthday po Kuya Louei!

FMI tunay na magkakaibigan


Ito ang larawan nang mga tunay na samahang may pagkakaisa at pagmamahalan, ang FMI ay
masasayahing tao at tunay na magkakaibigan.

Wednesday, March 21, 2007

1, 2, 3 -- Beautify CNMI! ! !


Larawan nang aming grupo noong linggo,Pinangunahan ni Rep. Jacinta Kaipat, medyo kaunti lang kami sa dahilang maraming may sakit isa na dito ang aming mahal na Adviser Angelo. Pero alam naming napaka active niya sa
Soccer. Sa linggo darating ang buong trupa nang Beautify CNMI para suportahan ka namen so,
galingan ninyo ! Good Luck Angelo for the up coming game.

Paglilinis sa kalsada papuntang lau lau beach !


Ang nasa larawan sila Ginang Nita Mateo, Jun Flores, Armando Paramio, at Radino Garcia.
Ang aming pong Grupo sa Friends of the Mariana Islands (FMI) ay kinabibilangan po ito nang Fifty (50) na membro sa ngayon.

Paglilinis sa kalsada papuntang lau lau beach !


Noong marso desseotso (March 18, 2007) araw po nang linggo kami po ay nagsama-samang muli nang mga kasamahan ko sa FMI, at ISA, para ipagpatuloy ang aming ginagawa sa Beautify CNMI! Kaya ito po ang mga larawan nang mga FMI volunteers habang pinupulot ang mga nakatagong mga basura sa ilalim nang mga punong kahoy, malapit sa may daluyan nang tubig patungong dagat.

Friday, March 16, 2007

Paglilinis sa ISA DRIVE ngayong sabado



Maraming salamat sa mga taga Aqua Resort Club na pinangunahan nang kanilang manager na si Ginoong Manny Barcial. Mula sa kaibuturan po nang aking puso maraming-maraming salamat sainyong pagsali sa Beautify CNMI! clean up drive. Saludo po ako sainyong lahat, Mabuhay Aqua!

Wednesday, March 14, 2007

Mga FMI members



Betty & Angelo


Ito sina Betty at Angelo !

Ang pinkabatang FMI member


Ito ang pinakabatang member nang FMI at Beautify CNMI! siya'y walang iba kunde si Betty Matson. Siya'y kasa-kasama naming naglilinis at nakakatuwang bata dahil sa murang idad niya ay napakaagang namulat sa ganitong mga gawain.

This is the youngest member of FMI and Beautify CNMI! Her name is Betty Matson. She's always with our group and she's proud to say that even at her early age she's already involved with Beautify CNMI! during our clean up activities.

Monday, March 12, 2007

Paglilinis sa Garapan Tourist District

Garapan
Ito po ang aming kuha sa grupong FMI kasama din po namen dito ay ang mga taga Kimpatche at CNMI POWER. Amen pong linilinis itong Garapan Tourist District tuwing ika unang linggo nang buwan, mula alas otso nang umaga (8:00 AM) hanggang alsa Dies (10:00 AM ) din nang umaga. Ang Friends of the Mariana Islands (FMI) ay isang samahang may pagkakaisa, respeto, pagmamahal sa isa't-isa, at ang maganda pa nito ay kahit us citizen, greencard holder, CNMI resident, at ano mang lahi ka basta may maganda kang puso ikaw ay puwede dito sa aming samahan. Kaya kung kayo po ay kapareho namen na may mabuting puso at nagnanais na sumama sa aming programa sa beautify CNMI huwag po kayong mag-atubile na tumawag sa akin sa numerong 234-9769/285-8980. Atin pong ipakita dito sa Saipan na ang Filipino ay matulungin at hinde po naghahangad nang anomang kapalit sa ating pagtulong sa kommunidad dito sa Saipan. Naniniwala po kasi ako na ang paggawa nang mabuti ang kapalit nito ay higit pa sa ginawa mong kabutihen sapagkat magkakaruon ka nang mga bagong kaibigan.

Paglilinis sa Dan Dan

FMI Group PhotoTuwing pangalawang linggo nang buwan ang aming grupo na FMI ay nagtitipon sa harapan nang Java Joe Coffee Shop Dan Dan mula alas otso (8:00 AM)nang umaga at hanggang alas dies (10:00 AM) sama-samamng naglilinis.

Marites' First Post

Hello! Ako si Marites Aquino Castillo presidente nang Friends of the Mariana Islands (FMI). Ito ang kauna-unahang pagkakataon ko sa paglagay nang mga kuha namen sa mga gawain pangkummonidad. Ang Beautify CNMI ay isang napagandang programa nang iba't ibang sangay nang grupo dito sa Saipan, aming nakita na napagandang halimbawa ito para gumawa nang pangkommunidad na gawain.

Tuesday, March 6, 2007

Public Service Announcement



Ito ay patalastas para sa Beautify CNMI!

Monday, March 5, 2007

Unang Paglagay

Ito lamang ang nag-iisang blog na puro tagalog nang Beautify CNMI! Idadag ninyo ito sa inyong pabaritong website at bumalik uli kayo upang bisitahen itong ating tagalog na website.