Tuesday, February 26, 2008

Died Cat found on the middle of the road




Last Sunday dated February 24, we did the cleanup at NMC to ISA Drive and found a died cat on the middle of the road. As we can see here one of our FMI member (Zeny) is possing with the died Cat while we're cleaning at ISA Drive and the other picture was our Vice President Diomedes Duculan.


Noong nakaraang linggo po ay naglinis ang aming grupo isa sa aming inadopt na lugar at ito nga po ay nagsimula sa may NMC hanggang ISA Drive. Ang nasa larawan po ay walang iba kundi ang aming mahal na pangalawang Pangulo na si Diomedes Duculan at si Zeny. Si Zeny po ay siya pong nagvolunteer na pulutin ang patay na pusa na amen pong nakita sa gitna nang daan habang kami'y namumulot nang mga basura sa gilid nang kalsada. Masaya po ang aming grupo sa muli na naman naming pagbibigay nang serbisyo sa Kommunidad nang Saipan. Nais po naming ipakita sa bawat isa sainyo na ang aming pong grupo ay hinde magsasawang tumulong dahil masaya po kaming nakakapagbigay nang serbisyo at nais naming engatan ang Kalikasan hinde lamang po dito sa Saipan kunde ganon din po sa sarili nating bayan o saan man kami dako nang mundo pumunta. Ang samahang Friends of the Mariana Islands (FMI) ay lubos na nagpapasalamat sa mga katulad naming nagpapahalaga sa Inang Kalikasan!
Ngayong darating pong Linggo makikita po ninyo kaming muli sa may Garapan Tourist District kami'y sama-samang maglilinis, kaya kung nais po ninyong sumama sa aming pong paglilinis ngayong darating na linggo pumunta lang po kayo sa may Memorial Park (parking lot) at doon ay inyo kaming makikita oras nang alas otso nang umaga hanggang alsa diyes nang umaga (start at 8:00am to 10:00am). Maraming salamat po.

No comments: