Monday, June 11, 2007
ISA Drive
Ito ang larawan nang mga iba kung kasamahan noong nakaraang linggo sa may San Vicente Elem. School hanggang Botanical Garden Papago. Ang FMI/BC ay naglinis sa lugar na ito kung saan dito namen ibinubuhos ang aming panahon para makatulong sa Communidad. Iilan lang ang nandirito sa larawan sapagkat nasa kabila ang mga iba pang kasamahan, labing lima kaming lahat na naglinis. Kami'y lubos na nagpapasalamat kay Dinnes Cabrera isa sa empleyado ni Rep. Cinta Kaipat na parating nandidiyan para kami'y tulungansa bawat paglilinis namin sa mga lugar kung saan aming inadopt na linisin. Maraming salamat sa aming Vice President na si Diomedes Duculan sa subrang bait at tiaga para suportahan ang Beautify CNMI! May kasabihan nga tau sa
FMI na "Do it whole heartedly until the volunteer work is done and expect no reward except from yourself". Mahirap man gawin ito para sa iba pero kung tutuo ang pagtulong, wala kang magiging problema. FMI ay isang magandang halimbawa sa Communidad nang Saipan at lalong-lalo na sa buong States nang America kaya nga naging USDA NATIONAL GROUP AWARDEE @ GOVERNOR'S BEAUTIFY CNMI ENVIRONMENTAL STEWARD! dahil lahat nang aming ginagawa ay galing sa aming mga PUSO. Sana matutu ang mga kapwa Filipino na irespito ang bawat isa at huwag pairalen ang anomang inggit sapagkat walang maidudulot ito. Gumawa nang mabuti at gawen nang tama ang bawat pagtulong na mula sa PUSO, huwag umasa nang anoman kapalit sa bawat ginagawa sa Communidad nang Saipan, sapagkat ang Beautify CNMI ay isang samahan na may tunay na pagkakaibigan. Maraming salamat sa mga kasamahan namen sa Beautify CNMI! na laging nandidiyan
para ibigay ang buong suporta sa amin.
Wednesday, June 6, 2007
Kobler Substation Cleanup
Dalawang linggo na ang nakakaraan ang ating kagalang-galang na Congreswoman na si Madam Cinta Kaipat kasama ang buong pamilya niya at ang buong FMI sama-samang naglinis maghapon sa may Kobler Substation, kaya ito ang mga larawan namin sa mga paglilinis na aming ginawa. Kung kayo ay mapapadaan sa lugar na ito mapapansin ninyo ang kalinisan at pagbabago dito, dahil hinde lang sa malinis may mga bagong tanim na mga halaman. Thank you very much sa lahat na sumama sa paglilinis na ito, lalong-lalo na kay Dinnes Cabrera & family, Kyle Kaipat & family, Gas Kaipat, sa mga Kaipat Kids na laging nandidiyan para maglinis din, Members, Officers & BOD of FMI and most of all kay Rep. Cinta Kaipat na walang sawang pamumuno sa ating pagpapaganda at para mapanatili ang kalinisan ng Saipan.
Subscribe to:
Posts (Atom)