Tuesday, July 31, 2007

MAHALAGANG MAPANATILI ANG TRABAHO DITO SA CNMI

Para sa mga kababayan naming narito sa Saipan, Kami'y katulad din ninyo na matagal ng naninilbihan dito sa Saipan at sana gumanda na ang econamy ng Saipan para masmarami tayong aportunidad na magkaroon ng magandang trabaho at mataas na suweldo. Alam namin na marami sa atin ang masnaniniwala na pagbinagsak ang federal dito sa Saipan ay masmaganda at may apportunity na pumunta ng America. Tutuo po iyan mga kababayan, pero huwag naman nating kalilimutan na marami sa atin dito ang walang trabaho, at ang iba naman may mga trabaho pero walang sapat na naipon para panggastos sa pangprases ng papeles para mag apply ng Visa (kung sakali nga na mangyari ang pagbasak ng federal) . Ang aming nakikita kasi ngayon parang marami ang naniniwala na kung ito'y kunin ng America lahat ay mabibigyan ng aportunidad na maging US Citizen, alam ninyo po ba na non-immigrant Visa lamang po ang kanilang gustong ibigay, at sana lang magising tayo sa katutuhanan na kahit pa kunin ito ng US may mga qualifications pa rin po tayong dapat isaalang-alang at iyon ay alam naman natin na hinde lahat ng Filipino ay mayron noon. Di po ba mas mainam na tayo ay magkaisa ngayon at ipakita ang suporta sa CNMI at para ang ating mga trabaho ay mapanatili natin, lalong-lalo na ngayon tumaas ang ating mga sahod, hinde ba napaganda? Marami po tayong dapat na isaalang-alang bago tayo gumawa ng anoman bagay, tayo po ay nasa maayos ng kalagayan at kung yong tungkol sa pagbagsak ng Federal, US na po ang bahala at ang mabuti po nating gawin ngayon tayo ay magdasal na sana hinde tayo pababayaan ng ating puong may kapal sapagkat siya lamang ang ating dapat na paniwalaan at sa kanya tayo magpasalamat. Ang pagtaas mg mga suweldo natin ay isang malaking bagay na dapat nating ipagpasalamat ngayon. Sana matutu po tayong makuntito kung ano ang mayron tayo. Mag-ingat po sana tayo, kung wala po kayong personal na alam sa mga taong nakakausap, mabuti ng umiwas na lamang po tayo ng sa ganoon ay hinde tayo mabiktima sa maling inpormasyon nila. Basta ang lagi po sana nating tatandaan huwag nating pababayaan na hamakin ang ating Consul General, bilang ama natin dito sa CNMI, dapat nating ipagtanggol siya. Naniniwala kasi kami na ang ginagawa ng ating Consul General ay isang mabuti at magandang pamamaraan para mapaganda ang ating relasyon sa mga taga CNMI.

3 comments:

Anonymous said...

Tama! Marami sa kanila ang magaling gumamit. Nakakahiya talaga at bilang Fiipino kahit ano pang sabihen natin ngayon linalahat na nila ngayon ang Filipino.Alam mo? sana magkaroon tayo ng pagkakaisa dito sa Saipan na gustong mapanatili ang ating mga trabaho. Ano kaya kung makaisip ang mga governo ng Saipan na tayo ay pauwein lahat na Guest Workers?

Anonymous said...

Hinde tayo nakakasiguro ngayon kung sino ang tutuong tao,lalo na sa kapwa natin Filipino.Marami sa kanila mabuti at mabait sila pagkaharap ka, pero pagkatalikod sinisiraan kana.Papaano natin ngayon magagawa na magkaisa? Sa tutuo lang pag walang money involved maniniwala pa ako na ang mga Filipino ay magkakaisa dito sa Saipan. Matapang pati sila dahil wala namang mawawala sa kanila pag sakaling magpalabas ng panibagong batas ang governo dito sa Saipan na tayong lahat ay mapaalis. Alam naman natin na wala silang trabaho may mga permit ngalang, pero kung talagang seryoso ang governo dito na linisin ngayon may panahon pa silang maglinis bago pakuha ito ng US.

Tess said...

Maraming salamat sa inyong pagbisita at kominto sa aming blog. Tutuo lahat ng mga sinabe ninyo. Imagine, kahapon sa Saipan Tribune nagsalita si Wendy Dorumal tungkol sa ating Consul General ng hinde maganda. Sino ba siya para husgahan ang ating Consul General? Hinde niya ba naisip na kahit ano pang sabihen ng tao Filipino pa rin naman tayo. Pagba tayo ay nawalan ng trabaho mabibigyan ba niya tayong lahat ng trabaho? I don't think so! Is she has the power to give us all what we need in life? Can she be there for all of us for every need? Sorry, but i think all she can do is talking what she think and what she believe. I hope for the better Jobs and peace in CNMI.